EPEKTO NG KAHIRAPAN SA ATIN

 Maraming epekto ang idinudulot ng kahirapan sa kabataan, ngunit ang mga kadalasang epekto nito ay ang:



MAAGANG PAGBUBUNTIS

Karamihan sa mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng maagang pagbubuntis dahil hindi sila nabibigyan ng sapat na impormasyon ukol sa pagbubuo ng pamilya at kung ano ang mga responsibilidad at kahihinatnan nito. Ito rin ay isa sa mga pinagmumulan ng pagtaas ng populasyon sa bansa dahil mas lalong nadadagdagan ang nanganganak .



KAGUTUMAN AT HINDI PAYAK NA KALUSUGAN

Dahil karamihan sa kanila ay hindi nakakatanggap ng paksang pangunahing pangkalusugan, ito ay nagdudulot ng mga iba’t ibang sakit. Ang malnutrisyon ay ang pinaka-karaniwang sakit sa mga taong nakakaranas ng kahirapan, ito ay dahil sila ay may kakulangan sa wasto at masustansyang pagkain.




_
Mga Larawan galing sa:

https://petapixel.com/2013/03/27/photographs-of-the-poor-filipino-children-of-smokey-mountain-in-manila/

Mga Komento

Kilalang Mga Post