INTRODUKSYON SA KAHIRAPAN DITO SA PILIPINAS

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. 



Bakit marami paring bansa ang mahirap? Ang kahirapan ay isa sa mga malalaking suliraning kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyang panahon. Ito ay nagdudulot ng labis na pahirap at pasakit sa mga mamamayan na nagiging balakid sa pag-angat ng ating bansa. Higit sa dalawampu’t limang porsyento ng ating populasyon ay nabibilang sa mahihirap na mamamayan ayon sa isang website na Richest Lifestyle. Talamak ito sa mga rural na lugar lalo na sa ilang bahagi ng Mindanao at sa mga islang matatagpuan sa Samar. Ang Pilipinas ay kabilang sa mga bansang may mataas na bilang ng kahirapan. Ang kahirapan ay parang isang malubhang sakit na tila ay wala na itong lunas kahit ano pa ang gawin n gating pamahalaan. Ano nga ba ang sanhi ng kahirapan na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nabibigyan ng solusyon? 





_
Larawan galing sa:

https://petapixel.com/2013/03/27/photographs-of-the-poor-filipino-children-of-smokey-mountain-in-manila/

Mga Komento

Kilalang Mga Post