Paano Masosolusyunan ang Kahirapan?

Sa kahirapan natin wala tayong ibang ginagawa kung hindi ang isisi ang lahat ng masasamang nangyayari sa ating buhay sa namamalakad ng ating bansa. Tulad na lamang ng walang trabaho, walang makain, at iba pa ay sa kanila nalang ba natin dapat isisi? Lahat tayo ay may kasalanan sa mga nangyayari, huwag nating idamay ang ibang tayo sa mga kamalasan natin sa buhay dahil wala silang kinalaman doon. Nasa kamay ng bawat isa ang pakalaran ng buhay natin at kaunlaran ng bansa.


Pagtuuanan natin ng pansin ang mga isyung nagaganap sa ating bansa para may maitulong tayo sa mga problema na ito. Huwag na tayong maging kurakot sa mga mamamayan, lahat tayo ay nakikinabang sa lahat ng mayroon ang bawat isa. Sana ay maipagpatuloy natin ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa dahil pantay pantay lamang tayong mga mamamayan. Mayaman man o mahirap ay wala iyan sa estado ng buhay, tulungan natin ang mga mahihirap at mga batang walang makain, dahil sila ang dapat bigyang pansin. Simpleng pagtulong lamang sa mga mahihirap at sa ibang tao ay hindi ganoon kalaki ang mas mahalaga ay nakatulong tayo sa kanila sa mabuting paraan. Maliit man o malaki ang naitulong natin sa kanila ay malaking bagay na iyon para sa kanila.




Disiplina

Sabi nga nila, sa panahon ngayon sa Pilipinas, opsiyonal na lang ang pagsunod sa mga batas. Maging ang mga kabataan ngayon ay hindi na natatakot sa batas. Kailangan nating maging disiplinado at matakot sa mga awtoridad para matuto tayong sumunod sa mga patakaran. Marami nang nagdaang matatalinong mamumuno sa ating bansa pero kung hindi marunong sumunod ang mga tao ay wala ring patutunguhan ito. Lahat ng tao ay gustong makamit ang pagbabago pero iilan lang talaga ang handang magbago.
Paano nga ba nating masusulusyunan ito? Ang totoo niyan, bago mo malinis ang isang lungsod, kinakailangan muna nating maayos ang peace and order sa bansa. Ang ibig sabihin nito ay kailangan muna nating patinuin ang mga pulis at iba pang mga awtoridad. Mahirap naman kasi kung ang unang mga tagapagtupad ng batas ang siyang unang nagiging pasaway pagdating sa pagsunod ng mga patakaran.
Disiplina ang ating kailangan dahil kapag may disiplina tayo ay maaring magandang katumbas nag maigng resulta nito sa atin. Maging masipag at matiyaga para nang sa ganoon ay may marating tayo, magkaisa tayo hangga't may oras pa tayong baguhin ang mga masasamang nangyayari sa ating bansa. Sa pagtutulongan nating ito ay masosolusyunan natin ang kahirapan ng ating bansa.

Napakahilig ng gobyerno na gumawa ng mga batas tuwing namomroblema sila sa pag disiplina ng mga tao pero wala namang sumusunod sa mga ito. Ang problema kasi ay walang nagpapatupad ng mga batas na ito kaya patuloy pa rin ang mga tao sa paglabag nito. Wala silang kinakatakutan dahil wala namang humuhuli sa kanila. Isa pa, mahilig rin silang magpalusot; palagi nilang sinasabi na likas na sa mga Pilipino ang hindi sumunod sa batas at mahirap nang baguhin ito. Pero hindi dahil mahirap nang gawin ang isang bagay ay imposible na itong gawin. Hindi laging kinakailangan ng bakal na kamay upang laging mapasunod ang mga tao dahil maaari rin itong daanin sa kusa kung matututo lang makipagtulungan ng mga tao. May iba kasi na hindi sumusunod sa batas dahil lang sa walang nakatingin o nagbabantay sa mga kilos nila.





Edukasyon


Dahil na rin sa kahirapan, kadalasang napagkakaitan ang mga mahihirap ng oportunidad para makapag-aral. Karapatan nga raw ang edukasyon pero sa bansa nating ito, mas pinipili pa rin ng ibang mga bata na tumulong sa kani-kanilang mga magulang upang may makain sila araw-araw. At dahil dito, mas nahihirapan silang makahanap ng maayos na trabaho dahil wala silang sapat na edukasyon upang makapagtrabaho sa malalaking kumpanya.

Bukod pa rito, dahil sa kakulangan ng edukasyon at matinding pangangailangan sa buhay, may iba ring tao na nagiging desperado para lang may makain sila at mas pinipili na lang mabuhay sa kalye at magnakaw. Ngunit hindi lang naman dito nagtatapos ang lahat dahil may iba pa ring mga mamamayan na gumagawa ng paraan upang makatulong sa kanilang kapwa sa kanilang sariling maliit na paraan. Sabi nga nila, ang pagtutulungan ay nagsisimula sa isang tao. Si Efren Penaflorida ay isang mamayang Pilipino na nanalo bilang CNN Hero of the Year noong 2009 (CNN, 2009). Sinimulan niya ang pushcart klasrum na nagsilbing eskwelahan para sa mga batang nakatira sa lansangan. Naglalayon itong mapabuti ang kalagayan ng mga batang walang kakayahang pumasok sa eskwelahan at para ilayo na rin sila sa paggamit ng droga. Sinabi niya sa kanyang talumpati na ang bawat tao ay may kakayahang tumulong sa ating kapwa, mahirap man o mayaman. Kinakailangan lang nating magtulungan lahat at maglingkod nang mabuti sa mga mamayanan.





Kaya kung ako sa inyo, ngayon palang simulan na natin ang magkaroon ng pagkakaisa at disiplina. Ito na ang tamang panahon upang magkaisa at magtulungan tayo para sa ikakaunlad ng ating bansa. Halina't magkaisa sa ikakaunlad ng bawat isa at ng bansang ating minamahal.


Kumilos na tayo hangga't may oras pang natitira. Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay nagtutulungan. Kaya kung ako sayo, tulungan mo ang sarili mo na magkaroon ng disiplina at maya-maya kapag talagang sa tingin mong tiyak na mayroon ka ng disiplina, tumulong ka na sa komunidad upang makagawa tayo ng mas maunlad at mabuting bansa.






_
Mga Larawan galing sa:


https://petapixel.com/2013/03/27/photographs-of-the-poor-filipino-children-of-smokey-mountain-in-manila/


Mga Pinagkuhanan:

  • https://www.youtube.com/watch?v=zIHZV2oMsMU
  • https://tl.wikipedia.org/wiki/Kahirapan
  • http://www.worldsocialism.org/filipino/ano-ang-mga-kadahilanan-ng-kahirapan-sa-mundo
  • http://flracaza10.blogspot.com/2018/03/kahirapan.html
  • https://www.facebook.com/1086935228048939/posts/ang-kahirapan-ang-isa-sa-mga-mabibigat-ng-problema-ng-ating-bansa-madalas-nating/1086950491380746/

 

Mga Komento

Kilalang Mga Post